Wednesday, November 26, 2008

LP35: Pagwawagi





Siguro'y nagtataka kayo dahil ang imaheng ito ang aking inilahok. Nung nakaraang sabado naganap na naman ang aming "swimming lesson" sa P.E. Ang daming di marunong lumangoy sa amin, isa na dito si Akiko (nasa imahe). Takot na takot siya dahil magkakaroon kami ng praktikum pagkatapos ng mga leksyon/aktibidades. Takot siyang malunod pero pinipilit niya. Bago nagsimula ang aming praktikum, binigyan kami ng 15 minutong pahinga. Ngunit si Akiko ay nasa tubig parin, pinipilit niyang mkalutang. Ng nakita ko ng marunong ng lumutang at lumangoy si Akiko, kinuha ko agad ang aking kamera para siya'y kunan.

Kami ay masayang-masaya sa nangyari, dahil dun siya ay nakapasa sa prakikum. Napakababaw ngunit pinilit niyang magwagi laban sa kanyang takot.

Maligayang Huwebes mg Litratista!

Napakasaya ko dahil di na ako nahuli! =D



Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl
blog comments powered by Disqus
 
back to top